Muling pinasok ng mga awtoridad ang compound ng Philippine offshore gaming operator hub sa Porac, Pampanga nitong Biyernes ng gabi para hanapin ang babae na nadinig umanong humihingi ng tulong. Ang isang opisyal ng Philippine Anti-Corruption Commission , sinabing ikagugulat ng publiko kapag nalaman kung sino ang nasa likod ng Lucky South 99 Outsourcing na nag-ooperate sa naturang lugar.
Mayroon umanong lawak na 10 hektarya ang compound at may 46 gusali at may tig-tatlong palapag ang bawat isa. Papasukin umano ang mga gusali para humanap ng ebidensiya tungkol sa isinasagawang operasyon doon. Pero bago nito, dalawang Chinese nationals na ang nasagip sa naturang lugar. Ang isa, inabutan na nakatali sa bed frame at may mga pasa.Nauna nang sinalakay ang POGO hub noong Martes ng gabi pero hindi tuluyang napasok ng mga awtoridad matapos bawiin ng korte sa Bulacan ang inilabas na search warrant.
Pero karamihan sa kanila ay walang pasaporte at sinasabing nagbabakasyon lang sila at hindi nagtatrabaho sa POGO.“We are not POGO, we are just friends together,” paliwanag naman ng isang Malaysian citizen.“Wala ho akong nakitang swimming pool…wala rin ho akong nakita doong beach resort,” sabi ni Winston Casio, PAOCC spokesperson. “Tandaan ho natin mga scammer ho ito. Kahit anong kuwento ay gagawin nila para mapapaniwala ang kahit sino po.
Gaming Gaming Latest News, Gaming Gaming Headlines
Similar News:You can also read news stories similar to this one that we have collected from other news sources.
Source: BusinessMirror - 🏆 19. / 59 Read more »
Source: gmanews - 🏆 11. / 68 Read more »