Nabisto ng mga awtoridad ang ilang underground tunnel, villa at mamahaling kotse sa ginawa nilang pagsuyod sa isang Philippine Offshore Gaming Operator hub sa Bamban, Tarlac. Natuklasan din nila ang daan-daang mga cellphone at SIM card na ginagamit umano sa samu't saring scam.Sa ulat ni Saleema Refran sa Unang Balita nitong Martes, sinalakay ng mga operatiba ng gobyerno noong isang linggo ang malawak at malaking compound ng Sun Yuan Technology Inc.
Nabisto rin ang studio na may equipment at mga peluka o wig para umano sa love scam."Siguro mga daang-daang cellphones na makikita mo diyan na nakakabit, mga SIM cards naman na puro fake ang identities. Love scam, romance scam, task scams, cryptocurrency scams," sabi ni undersecretary Gilbert Cruz, Executive Director ng PAOCC.Nakausap din ng GMA Integrated News ang isang Malaysian na pinilit umanong maging scammer."They already love.