Sinagip ang 158 na mga Chinese, Vietnamese, Malaysian at iba pang lahi mula sa isang ilegal na Philippine Offshore Gaming Operator na ni-raid ng mga awtoridad sa Porac, Pampanga.
Kung kaya kakaunting mga dayuhan na lang ang nadatnan sa target area nang dumating ang sanib-puwersa ng PAOCC, Philippine National Police-Special Action Force , Criminal Investigation and Detection Group at lokal na pulisya. Isinilbi ang search warrant matapos makatanggap ang mga awtoridad ng mga ulat ng scamming activities, torture, kidnapping at sex trafficking.
Sinabi pa ng PAOCC na nag-a-apply pa lamang na makakuha ng lisensya mula sa PAGCOR ang POGO, kaya ipinagtataka nitong mahigit isang taon na itong nag-o-operate.